NY shooting suspect, at-large pa – mga Pinoy, pinagiingat

Nakikipagugnayan na ang Philippine Consul General sa New York sa mga otoridad dito para makumpirma kung mayroon bang mga Pilipino na nadamay sa naganap na shooting sa subway station sa Brooklyn.

Kung matatandaan, aabot sa 23 ang nasugatan sa pamamaril sa 36th Street Subway Station habang rush hour.

Ayon kay Consul General Elmer Cato, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng NYPD at ng mga otoridad at inaalam pa rin ang mga nationalities ng mga biktima.

Nakikipagtulungan na umano ang kanlang tanggapan sa Filipino Community para makumusta ang sitwasyon ng mga ito at malaman kung may kakilala ba silang nadamay sa insidente.

Sa ngayon, inabisuhan ni Cato ang ating mga kababayan na maging alerto at vigilant habang nagpapatuoy pa ang manhunt sa suspek.

Sa pinakahuling update ng NYPD, kinilala sa pangalang Frank James ang tanging person of interest sa insidente.

Sa Brooklyn, mayroong 8,764 na mga Pilipino.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *