Oath-taking ceremony of newly elected Barangay Officials  sa Libmanan Camarines Sur kanselado dahil sa sama ng panahon

CAMARINES SUR- Kanselado ang oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal sa Libmanan, Camarines Sur dahil sa sama ng panahon.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Jess Camara, naka schedule ang pagsumpa mamaya sanang alas-6 ng gabi sa Libmanan Sports Complex. Maghintay aniya ng panibagong schedule kapag maayos na ang panahon.

Samantala sa Calabanga, sinabi ni MDRRM Officer Danny Abalaban , inaaabisuhan na ang mga nasa landslide prone areas na mag-antabay at maghanda sa posibleng paglikas. Ang mga mangingisda naman inabisuhan na huwag magpumilit magpalaot.

Sa Caramoan naman, nakahandang sumunod sa no sailing policy para mga mangingisda at mga turista.

Kanselado ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *