OB10 aircraft, muling lumapag sa tog 2 matapos ang halos 3 dekada

Muling lumapag kahapon sa Headquarter ng Tactical Operations Group (TOG) 2 ang OB10 aircraft ng Philippine Air Force matapos ang halos tatlong dekado simula noong huling lumapag ito sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni LtCol. Charles Marty Senosa, TOG2 Deputy Group Commander, sa ika-54 na UP-UP Cagayan Valley ngayong araw, March 25, 2022.

Aniya, ginagamit ang naturang eroplano para sa territorial defense, maritime patrol at counter insurgency operations ng kasundaluhan.

Kaugnay nito ay nakapagsagawa na rin aniya ang kasundaluhan ng maritime territorial defense kahapon gamit ang OB10 aircraft.

Sinabi pa ni LtCol. Senosa na ito rin ay ginagamit din para sa proficiency exercise ng mga piloto lalo pa’t lalahok ang naturang eroplano sa Balikatan 2022.     

Samantala, natutuwa naman ang opisyal dahil ayon sa kaniya taong 1992 pa huling na-deploy sa TOG 2 ang nabanggit na aircraft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *