Obiena unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Athletics Championship

Binasag ni EJ Obiena ang kanyang personal, national, at Asian records matapos makuha ang bronze medal sa 5.94 meters sa finals ng World Athletics Championship.

Dahil dito, si Obiena ang kauna unahang Filipino na nanalo ng medalya sa World Athletics Championship.

Kaugnay nito, mabilis na naitala ni Obiena ang 5.55 meters bago ito magtagal sa dalawang lundag para ma-clear ang 5.70m.

Matapos nito, matagumpay na nakausad ang Filipino Olympian papunta sa 5.80m at 5.87 marks, para makuha ang unang spot, kasama si Thiago Braz ng Brazil.

Bumagsak sa fourth spot si Obiena matapos mabigo sa kanyang unang attempt sa 5.94m, pero bumawi matapos makompleto ang 5.94m sa kanyang second try.

Dahil sa 5.94m-performance, nag-set si Obiena ng bagong personal, national, at Asian record, kung saan ang huli nitong record ay nasa 5.93m na naabot niya noong September 2021 sa International Golden Roof Challenge.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *