Obispo sa Maynila, hinimok ang mga Simbahan na magtayo ng sari-sarili nilang community pantries

Hinimok ng ilang obispo ang mga simbahan na magtayo ng sari-sariling community pantries, bilang inisyatibo sa pagtulong sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Bishop Broderick Pabillo, Manila Archdiocese administrator, na ang nasabing inisyatibo ay magandang paraan para isulong ang pagbibigayan at bayanihan sa ating mga sarili.

Sa programa ni Pabillo sa radyo ay hinimok niya ang mga pari, Simbahan at Basic Ecclesial Communities na makiisa sa inisyatibo.

Matatandaan na naitayo ang kauna-unahang community pantry sa Maginhawa Street, Quezon City, hanggang sa ginaya na ito sa iba’t-ibang mga lugar.

Samantala, inihayag naman ng Caritas Philippines, na social action arm ng Simbahang Katolika, na ang paglaganap ng street pantries ay nagpapakita na hindi mapipigilan ng kahirapan ang pagiging mabuti at maawain sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *