OCPO hinihintay na lang kits activation at testing procedures na gagawin para sa mga body cameras

OLONGAPO- Hinihintay na lamang ng Olongapo City Police Office ang gagawing activation sa kits at testing procedures mula headquarters para sa mga isyung body cameras.

Ito ay ang gagamitin sa mga gagawing police operations tulad ng operasyon kontra iligal na droga.

Ayon kay PLTC. Erwin Fabroquez, Deputy Director for Operations ng OCPO, mayroon na ring hardware ang mga recording unit.

Sa ngayon ay mayroong labing-anim na unit ang OCPO na makakatulong para makita ang aktwal na operasyon at mayroong real time monitoring.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Philippine National Police

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *