OCPO may inihandang mga tauhan na maaaring ipadala sa Abra kapag kinailangan

Nakahanda ang Olongapo City Police Office sakaling kailanganin ng augmentation para sa Abra na sinalanta ng lindol nitong nakalipas na araw.

Ayon kay Pmaj. Rodel Paragas ng OCPO, mayroon ng standby team ang kanilang hanay.

Nasa limampung pulis ang nakahandang ipadala ng City Police kung kinakailangan para makatulong sa nabanggit na lugar.

Ang mga pulis umanong ito ay may mga sapat na kaalaman pagdating sa Search and Rescue Operations at iba pa.

Matatandaan na nitong nakalipas na Myerkules ay niyanig malakas na lindol ang Abra at ilan pang lugar sa Northern Luzon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Police Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *