OCTA: Pagbaba ng COVID cases sa NCR, bumagal, pero…

Inihayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumagal ang pagbaba sa bilang ng mga kaso ng COVID-10 sa Metro Manila, pero nananatili paring nasa low risk ang rehiyon para sa transmission ng virus.

Ayon kay David, ang seven-day average sa mga bagong kaso sa rehiyon, maging ang average daily attack rate (ADAR) nito ay nasa 4 percent decrease as of March 20 — na mas mababa kumpara sa 23 percent decrease sa naunang linggo nito.

Sa gitna nito, ang reproduction number, ay bahagyang tumaas mula sa 0.26 sa 0.38, habang ang positivity rate ay bumaba rin sa 2.5 percent mula sa 2.8.

Una nito, nagtala ang Department of Health ng kabuoang 3,572 na mga bagong infections ng COVID-19 mula March 14 hanggang 20, na bahagyang mababa mula sa 4,131 kaso sa naunang linggo. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *