OFW deployment, bumaba ng 75% dahil sa pandemya

Ibinunyag ng International Organization for Migration (IOM) na nagkaroon ng 75% na pagbagsak sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa unang taon ng COVID-19 pandemic.

Sa impact assessment ng IOM na ibinase sa interview sa mahigit 8,000 returned OFWs, ay sinabi na ang 75% na pagbagsak sa deployment noong 2020 ay ang pinakamababang labor export output ng bansa sa loob ng mahigit tatlong dekada.

Sinasalamin rin sa report ang statistics ng gobyerno na nasa halos 800,000 OFWs ang bumalik sa bansa noong katapusan ng December, 2020.

Ipinapakita rin nito na nasa 67% ng mga OFWs ang nagdesisyon na bumalik sa bansa dahil sa COVID-19 habang nasa 83% naman ang naging unemployed sa loob ng average na tatlong buwan matapos ang kanilang pagdating sa bansa.

Naiulat rin na nasa halos kalahati ng na-interview na OFWs ang nakaranas ng 60% na pagbaba sa kanilang household income matapos ang kanilang pagbalik sa bansa.

Iginiit ni IOM Philippines chief of mission Kristin Dadey na ang nagpapatuloy na global COVID-19 crisis at border restrictions ay meron adverse impact sa human mobility ng migrant workers.

Ipinunto rin ng IOM na naantala ang global aviation at movement ng mga tao dahil sa suspensyon ng flights at pagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *