OFW Help Desk, ilalagay sa mga LGUs

KORONADAL CITY- LUMAGDA sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 at nasa 22 mga local government units (LGU) sa lalawigan ng South Cotabato at Sultan Kudarat.

Ang MOA ay para sa establishment ng Overseas Filipino Workers o OFW Help Desk sa mga munisipyo. Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan ang mga LGU ng Tampakan, Banga, Norala, Sto. Niño, Surallah, T’boli, Tupi, Lake Sebu, Tantangan, Polomolok, Tacurong City, Lambayong, Columbio, President Quirino, Esperanza, Bagumbayan, Senator Ninoy Aquino, Palimbang, Lutayan, Isulan, Lebak at Kalamansig.

Sa pamamagitan ng mga ilalagay na OFW Help Desk sa mga munisipyo, mas mapapalapit na ang serbisyo ng OWWA sa mga OFWs at sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *