OFW, natamaan ng ligaw na bala sa kanyang kaliwang paa

Natamaan ng ligaw na bala ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, nakatayo lamang ang biktima sa harapan ng kanyang bahay para salubungin ang Bagong Taon.

Pagkatapos nito ay biglaan na lamang tinamaan ng bala ang OFW sa kanyang kaliwang paa.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa Tala Hospital, Caloocan City.

Patuloy pa rin ang follow-up investigation ng mga otoridad sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *