OFWs, seamen, maaaring payagan magpaturok ng booster shots- Malacañang

Maaari umanong payagan ang mga overseas Filipino workers at seamen na magpaturok ng COVID-19 booster shots.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, dahil kailangan ang booster shots sa trabaho ng mga nabanggit na manggagawa.

Gayunman, hinimok ng kalihim ang mga OFW na maghintay sa availability ng bakuna na nirequire sa kanila ng kanilang mga emplyers sa halip na magpabakuna ng ibang brand na nakalaan para sa ibang tao.

Matatandaan na binawalan ng mga awtoridad ang publiko na magbakuna ng boosters habang limitado pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa.

Ito ay kasunod ng ulat na may dalawang indibidwal ang nakatanggap ng booster shots sa iba’t-ibang LGU.

Hindi raw ito kinukunsinti ng gobyerno kaya nakikiusap siya na sana ay hintayin muna na mabakunahan ang karamihan sa ating mga kababayan bago tumanggap ng booster shot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *