Oil price rollback, aasahan bukas

Magpapatupad bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas ng Martes, Mayo 17.

Batay sa anunsyo ng Unioil Philippines, aabot sa P2.90 hanggang P3.00 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel.

Nasa P0.40 sentimos hanggang P0.60 sentimos naman ang bawas singil sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.

Inaasahang susunod na ring mag-aanunsyo mamaya ang iba pang kumpanya ng langis.

Una rito ay nagpatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo.

Ang galaw ng presyo ng langis sa international market ay dulot ng COVID-19 lockdowns top oil exporter na China at sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *