Old Balatas Dumpsite sa Naga , nasunog!

NAGA CITY- Makapal na usok ang natanaw ng mga residente sa malapit sa Balatas Naga City pasado alas- tres nitong Lunes, Mayo 6, nasusunog pala ang sarado nang Balatas Dumpsite.

Inilikas kaagad ang tatlong mga residente na may respiratory illness; isang 80 anyos na lola, 11 anyos at walong taong gulang na bata.

Isinara pansamantala ang kalsada sa may dating dumpsite dahil sa pag-apula ng sunog. Inactivate ang camp management team ng PAGCOR evacuation center. Pinagtulung-tulungan ng Bureau of Fire Protection Naga, mga volunteers na Chin Po Tong at Naga White. Patuloy na inaantabayanan ang lugar dahil umuusok pa ngayong umaga , Mayo 7 Inaalam pa kung ano ang sanhi ng apoy.

2019 nang isara ang 50 taon nang Balatas Dumpsite at ginagawa na ito ngayong eco-tourism site.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *