Oliver Almadro, magsisilbing coach ng UP women’s volleyball team

Kinuha ng University of the Philippines (UP)ang volleyball program director nitong si Oliver Almadro, para mag-coach sa women’s volleyball team sa darating na UAAP Season 86.

Saad ni Almadro na magiging challenging ang pagtanggap niya nito ngunit itinuturing niya itong blessing para sa kanya dahil lahat ng suporta ay ibibigay niya para sa UP community.

Kilala siya bilang may propesyonal na karanasan at dati na ring nakamit ang kampeonato sa pagiging coach ng Ateneo de Manila University.

Kasalukuyan namang head of operations si Almadro ng Petro Gazz Angels at naging head coach na rin ng Choco Mucho Flying Titans sa Premier Volleyball League (PVL).

Sa huli, sinabi ni Almadro na nais niyang magtatag ng isang winning culture kasama ang Fighting Maroons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *