Olongapo CHO pinag-iingat ang publiko ngayong panahon ng tag ulan

OLONGAPO-Pinag-iingat pa ng husto ng Olongapo City Health Office ang publiko  ngayong panahon na ng tag-ulan.

Ito ay dahil sa iba’t ibang uri ng sakit na maaaring makuha ng mga ito dahil sa pagbabago ng klima at sa masamang panahon.

Ayon kay Olongapo City Health Officer Dr. Doods Bustamante, isa sa mga maaring maging banta ay ang sakit na dengue na madalas na nakukuha sa mga mga stagnant na tubig.

Liban pa sa dengue karaniwan din nauuso ang sipon, ubo at trangkaso kaya dapat ang ibayong pag-iingat para sa proteksyon ng sarili at pamilya laban sa sakit na dulot ng mga pag-ulan.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo for Illustration Purposes only

May be an image of 1 person and text that says 'ASCORBICACID GUARD-C VITAMIN ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *