Olongapo City Agriculture at ASEZ WAO nagsagawa ng tree planting

Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Olongapo City Agriculture Office at ASEZ WAO o Save the Earth from A to Z, We are One Family sa isinagawang tree planting activity.

Nagtanim ng halos isandaang Giant Bamboo ang grupo sa Olongapo City Watershed Forest Reserve at Sitio Lapaya, Brgy. Gordon Heights, Olongapo City nakalipas na araw ng Huwebes kasama ang PNP at BFP.

Layon umano ng grupo na makapagtanim ng mas marami pang puno para makabuo ng tinatawag na Mother’s Forest bilang karagdagang proteksyon sa mundo.

Ang ASEZ WAO ay isang Volunteer Group na binubuo ng Young Adult worker ng Church of God na nagiging katuwang rin sa mga aktibidad sa kalikasan at komunidad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: ASEZ WAO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *