Olongapo City Government nilinaw na nasa 30 lamang ang aktibong kaso ng covid-19 ngayon

Nilinaw ng Olongapo City Government na nasa tatlumpu lamang ang bilang ng aktibong kaso ng corona virus disease hanggang sa huling datos ng September 2.

Ito ay matapos na may ilang ulat ang lumabas na nasa mahigit pitong daan ang naitalang bagong kaso ng syudad.

Paliwanag ng Lokal na Pamahalaan, maaaring ang lumabas na datos ay posibleng dahil sa may pagkaantala ng reporting ng ilang laboratories.

Ang LGU umano kasi ay nagsusumite ng araw-araw na datos at makikita rin ito sa kada araw na inilalabas ng lungsod.

Isa pa umano kahit noong kasagsagan ng pandemya ay hindi nagkaroon ng mahigit pitong daan kaso sa loob lamang ng isang araw ang Olongapo.

Samantala, susulat umano ang City Government sa Department of Health para mabigyang linaw ang datos.

Kaugnay nito, ang Zambales naman ay mayroon lamang 57-aktibong kaso sa ngayon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Kaugnay nito, ang Zambales naman ay mayroon lamang 57-aktibong kaso sa ngayon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *