Olongapo City Health Office, magsasagawa na rin ng mobile vaccination para sa mga senior citizen

Pinagpapalanuhan na ng Olongapo City Health Office na magsagawa na ng mobile vaccination sa mga senior citizen sa mga barangay.

Ito ay dahil maraming mga senior citizen ang hirap ng bumayahe kaya naman hindi na makapunta sa mga vaccination site.

Ayon kay Olongapo City Health Officer Dr. Doods Bustamante target ng opisina na sa mga health center na lang babakunahan ang mga senior o di naman ay babakunahan ang mga ito sa bahay- bahay kung hindi na talaga kayang pumunta sa health center.

Samantala target itong umpisahan ng CHO ngayong darating na miyrekules Oct. 6. // Michelle Lopez – BNFM Olongapo

May be an image of food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *