Olongapo City, nakamit ang 2nd overall ranking sa kakatapos na CLRAA 2024

Nakamit ng mga atleta mula sa Olongapo City ang 2nd Overall ranking sa kakatapos lang na Central Luzon Regional Athletic Association o CLRAA 2024.

Ito ay dahil sa pagpupursige at talento ng mga atleta o ang mga apo ni Apo na nakiisa sa okasyon.

Nasa mahigit isang dekada rin ang lumipas bago nakuhang muli ng lungsod ang parangal na ito.

Nagpapasalamat naman ang Pamahalaan sa lahat ng nakiisa lalo na sa Department of Education Olongapo na pinangunahan ni Imelda Macaspac at Ting Dumlao.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Tarlac City nitong nakalipas na linggo.//LESLEY-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *