Tumanggap ang Olongapo City Public Library ng donasyon na Tech4ED Level 1 mula sa Department of Information and Communication Technology.
Ito lamang umano ang nag-iisang library sa mga Local Government sa Region 3 na tumanggap ng donasyong ito mula sa DICT.
Kabilang sa mga kagamitan ay mga computer, Port Eternet Switch, cables, router, cctv, printer at iba pa.
Kasabay nito lamang nakalipas na Huwebes ay lumagda rin sa Memorandum of Agreement ang City Government at DICT bilang pagpapatibay ng partnership.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: OLONGAPO CIC