Local News

Olongapo Mayor umaasa na mas marami ang mahihikayat na magpabakuna

OLONGAPO-Umaasa ang alkalde ng Olongapo City na mas dadami pa lalo ang mahihikayat ngayon na magpabakuna.

Ito ay matapos na bilang isang namumuno sa syudad, siya mismo ay naturukan na kahapon ng anti-covid19 vaccine na gawa ng Sinovac.

Sa paraang ganito ay naipakita umano sa publiko na ligtas at mahalaga ang pagpapabakuna para malabanan ang covid-19.

Si Mayor Rolen Paulino Jr ay binakunahan kasunod ng advisory mula sa Department of Health kung saan pinapayagan nang magpaturok ang mga governors, vice-governors, mayors at vice mayors ng mga lugar na kabilang sa critical at high-risk areas dahil sa covid-19.

Sa Zambales base sa advisory, kabilang ang Candelaria, Castillejos, Masinloc, San Marcelino, San Narciso, Sta. Cruz, Subic at Olongapo na pinapayagan nang maturukan ang mga Chief Executives.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

BNFM Olongapo

Recent Posts

Cedric Lee nakakulong na sa New Bilibid Prison

Nakakulong na sa New Bilibid Prison ang negosyanteng si Cedric Lee matapos na matanggap ng…

2 hours ago

Isang lalaki sa Russia inaresto ng mga otoridad dahil sa kulay ng kanyang buhok

Dahil sa hair color, inaresto ng mga otoridad sa Russia si Stanislav Netesov. Ipina-dye kasi…

2 hours ago

Bagong kanta ng SB19 na moonlight inilabas na

Heads up A’tin! Inilabas na ng Ppop super group na SB19 ang kanilang pinaka bagong…

2 hours ago

40 degrees Celsius o higit pa asahan ngayong weekend sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE - Asahan pa rin ang matinding init ng panahon na mararanasan sa lalawigan…

2 hours ago

Flexible work arrangement maaaring i-adopt sa gitna ng nararansang matinding init ng panahon ayon sa CSC

CAMARINES NORTE - Inihayag ng Civil Service Commission na maaaring i-adopt ng mga opisina ng…

2 hours ago

Ordinansa patungkol sa pagbibigay ng special protection sa mga bata kapag may kaguluhan aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng SB Basud

CAMARINES NORTE - Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang “Children…

2 hours ago