OMAg-Tboli nagsagawa ng training at preparasyon para sa panahon ng El Niño

KORONADAL CITY- NAGSAGAWA ng tatlong araw na training sa mga Barangay Local Government at Rural Based Organizations hinggil sa Climate Smart Livestock Production o CSL ang Office of the Municipal Agriculturist o OMAG-Tboli bilang preparasyon sa El Niño.

Layunin ng nasabing hakbang upang mabigyan ng dagdag na kaalaman ang nasabing grupo sa mga dapat gawin sa panahon ng El Niño.

Kabilang sa training ang tamang pag-aalaga sa mga hayop sa panahon ng tagtuyot at iba pa.

Ayon sa OMAG-Tboli na basi sa El Niño Alert Advisory ng PAGASA nasa 80% ang posibilidad ng El Niño sa Pilipinas na magsisimula ngayong taon hanggang 2024.

Ipinasiguro naman ng OMAG-Tboli na katuwang ang mga ito ng mga Barangay Animal Health Workers (BAHW) at ng BLGU Chairpersons on Agriculture sa panahon ng El Niño upang matulungan ang mga maapektuhang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *