Ombudsman, ibinasura ang mga kaso vs 11 PhilHealth execs

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang criminal at administrative cases laban sa 11 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation, na kinasuhan noong 2019 ng ilang mga empleyado ng ahensya.

Kaugnay nito, pinawalang sala ni Ombudsman Samuel Martires ang dati at kasalukuyang mga opisyal dahil umano sa kakulangan ng ebidensya na sila ay guilty sa abuse of authority, maging sa graft at corruption.

Ang mga pangalan ay kinabibilangan nina datinig chief executive officer Roy Ferrer; Interim President at CEO Celestina Ma. Jude Dela Serna; Executive Vice President Ruben John Basa; Senior Vice President Dennis Mas; Vice President Shirley Domingo; Senior Vice President Rodolfo del Rosario; Supervising Health Program Officer Raul Dominic Badilla; Senior Vice President Israel Pargas; Corporate Legal Counsel Angelito Grande; PhilHealth NCR Attorney IV Lawrence Mijares at Auditing Systems Specialist Chief Leila Tuazon.

Ang mga ito ay sinuspende ni Martires noong August 2020 matapos akusahan ng successively filing “baseless” administrative cases laban sa pitong empleyado mula 2017 hanggang 2019.

Ayon sa mga empleyado, ginawa ito ng mga respondents para sa single unified purpose na pag-oppress at pag-harass sa kanila, at itinalaga sa ibang assignments nang walang pahintulot.

Pero paliwanag ng Ombudsman, ang naturang mga hakbang ng mga opisyal ay hindi naman umano nagdulot undue injury. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *