Suspension order ng ilang NFA officials na dawit sa anomalya sa NFA rice, na-lift na

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na ni-lift na nito ang suspension order sa higit 20 National Food Authority (NFA) personnel na dawit sa umano’y maanomalyang bentahan ng NFA rice.

Kabilang sa 23 mga opisyal na ito ay mga warehouse supervisors sa Iloilo, Antique, Cabanatuan at NCR.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, binawi nila ang naturang suspensyon matapos makakita umano ng mga imbestigador ng ‘pagkakamali’ sa listahan.

Hindi aniya nila ito kasalanan, at hindi nila alam kung sino ang nanloko sa imbestigasyon.

Samantala, bago pa man daw i-lift ang suspesion order sa mahigit 20 tauhan ng NFA, may una nang tauhan ng NFA ang nakatanggap ng kanselasyon ng suspensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *