Ombudsman – pinagtibay ang paghahain ng graft vs sa PS-DBM officials re Pharmally scam

Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang desisyon nito noong 2023 para madiin sa kasong katiwaliaan ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng Procurement Service ng Department of Budget management (PS -DBM)

Kaugnay pa rin ito sa maanomalyang pagbili ng 4 na bilyong pisong halaga ng RT-PCR kits mula sa Pharmally noong kasagsagan ng COVID19 Pandemic.

Kabilang sa mga nadiin sa kaso sina former Budget Undersecretary Christopher Liao, mga opisyal ng Pharmally, at iba pa.

Una nang nagsumite ng motion for reconsideration si Liao pero ibinasura ito ng Ombudsman.

Binigyan na ng kopya ng resolusyon ang Department of Justice o DOJ na may tinatawag na prosecutorial jurisdiction para aksyunan ang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *