Ombudsman, pinaiimbestigahan ang nasa likod ng maling listahang sangkot sa katiwalian sa NFA

Inatasan ni Ombudsman Samuel Martires si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na imbestigahan ang nasa likod ng maling listahan ng NFA officials na sangkot sa maanomalyang pagbebenta ng rice buffer stocks.

Ito ay makaraang bawiin ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension order laban sa dalwamput tatlong empleyado ng NFA matapos makita ng mga imbestigador mula sa kanilang tanggapan na maling datos ang nasa listahan.

Ayon kay Ombudsman Martires, dapat magsagawa ng imbestigasyon si Secretary Laurel upang malinawan sa sinasabi ng ilang kawani ng NFA na hindi tama ang listahan ng mga pinatawan ng preventive suspension.

Aniya, may mga patay na o di kaya ay retirado na sa inilabas na listahan.

Dagdag pa ni Martires, ang NFA ang nagbigay ng listahan kay Laurel bago ito naisumite sa tanggapan ng Ombudsman kaya nais nitong malaman ng kalihim kung may gustong sumabotahe sa kaniya.

Samantala, naniniwala naman ang ombusdan na walang alam ang kalihim kung may patay o retirado na sa listahang isinumite sa kanilang tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *