On-site outreach program ng LTO – tatapos sa maling gawain ng mga fixer

Sa patuloy na agresibong kampanya ng Land Transportation Office laban sa mga fixer, mas pinaigting pa ng ahensya ang programa nitong on-site issuance ng student permits pati na ang renewal ng driver’s license at motor vehicle registration.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, tuluyang tutuldukan ng programa ang mga maling gawain ng fixers na nagpapasama sa imahe ng ahensya.

Ang programa ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas.

Sa ngayon, in closed coordination ang LTO sa Philippine National Police at iba pang enforcers sa pagpapaigting ng kampaya laban sa mga illegal fixer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *