On-time performance ng mga eroplano sa NAIA, ibinida ng MIAA

Ibinida ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang 88% na on time performance sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Undas.

Partikular na noong November 1 kung saan lagpas 800 ang naging flights.

Ang on time performance ay tumutukoy sa pagdating at pag-alis ng eroplano sa loob ng 15 minuto sa kanilang schedule.

Ayon sa pamunuan ng MIAA, naging efficient ang NAIA sa pagbibigay serbisyo sa humigit-kumulang 700K na pasahero sa nasabing paliparan sa unang anim na araw ng Oplan Biyaheng Ayos para sa Undas at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Dahil dito, kumpiyansa ang paliparan sa dagsa ng mga pasahero na inaasahang aabot sa 1.2M hanggang sa araw ng linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *