Online Business Name Registration sa DTI, bawas abala at gastos sa mga aplikante

Mababawasan na ang gastos at abala ng mga negosyante at nagbabalak magtayo ng negosyo sa bansa.

Ito ay dahil simula noong August 1 ay binuksan na ng Department of Trade and Industry ang online business registration.

Ayon kay DTI Zambales Director Ike Tacbad, sa halip na pumunta sa mga DTI offices at negosyo centers para mag-apply ay maaari na itong gawin kahit saang lugar na may internet connection.

Paliwanag ni Tacbad, sa parehong halaga ng bayarin ay maaari nang makuha ang certified true copy online kung saan pwede na ring magbayad.

Dahil dito, hinihikayat ang iba na magbukas na ng sariling negosyo at iwasan na ang pagpunta sa mga opisina ng DTI.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *