Operasyon ng OB Gynecology ward ng CNPH hindi pa gaanong bumabalik sa normal pero kakulangan ng consultant natugunan na

CAMARINES NORTE- Aminado ang Provincial Health Office (PHO) na hindi pa gaanong bumabalik sa normal ang operasyon ng OB Gynecology section ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Kasunod ito ng anunsiyo ng pamunuan nito noong linggo na walang naka duty na consultant sa OB Gynecology mula noong Lunes Enero 3, hanggang ngayong araw, Enero 5 matapos na magpaso ang kanilang kontrata at hindi na nag renew.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kaninang umaga kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinabi nito na nakahanap na ang ospital ng ibang consultant kaya ang mga caesarian operation ay nagagawa.

Mababatid na isang consultant sa OB Gynecology ang hindi na nagpatuloy at ang dalawa pa nitong kasama ay nagpaso na rin ang kontrata dahilan upang magkaroon ng kaunting kaguluhan sa schedule.

Pero ayon kay Francisco nagawan na nila ito ng paraan at nakahanap ng consultant para ipalit sa schedule na walang naka duty.

Nilinaw din ni Francisco na hindi sila tumatanggi sa pasyente pero ang hindi kayang operahan sa CNPH ay inire- refer sa end referral hospital tulad ng Bicol Medical Center (BMC) at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center.

“Naayos naman at nakapaghanap naman tayo ng ibang consultant para i-replace dun sa mga schedule nila na walang consultant, so kahapon  meron po tayong consultant diyan, nag opera nga, yung mga kailangan operahan na operahan naman, yung mga kailangang hindi talaga pupwedeng operahan dito yun po ay nire- refer po natin sa Cabusao at the same time sa BMC,” ani Francisco.

“Hindi pa masyadong normal sapagkat tatlong araw yan na sabi ko nga yung schedule niya ay pagtutulungan ng mga private consultant na pumupunta dito sa atin, sila nama’y pumayag nung kinausap ko sila.”

Marami ang nanganganak araw- araw sa naturang ospital kaya laging puno ang OB Gynecology ward.

Kaya naman mayroong expansion sa 3rd floor na siyang solusyon sa halos dikit- dikit na pasyente sa OB Gynecology ward.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *