Operasyon ng WESM kapag nakataas ang red alert, sinuspende na ng ERC

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na sinuspendi na kahapon ng Energy Regulatory Commission o ERC ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM, tuwing may naka taas na red alert status ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Labor day sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na layunin nitong pigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa gitna ng kalamidad na dulot ng El Niño.

Dahil anya sa matinding init ng panahon, kaya tumataas ang konsumo sa kuryente na nagiging rason din sa pag akyat ng presyo nito.

Binigyang diin rin ng Pangulo na hindi nagkukulang ang pamahalaan sa pagbabantay ng presyo ng bilihin, at sa pagtiyak na may sapat na supply upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Ang WESM ay platform para sa pagbebenta at pagbili ng kuryente sa pagitan ng mga power generator, tulad ng mga planta ng kuryente, at mga distributor ng kuryente, at ang presyo ay nakabatay sa kasalukuyang pangangailangan at kakayahan ng mga generators.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *