Operasyon sa mga paliparan sa bansa nananatili sa normal; Imbestigasyon sa likod ng pagpapakalat ng bomb threat, nagpapatuloy

Nananatiling normal ang sitwasyon sa mga paliparan sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni PNP Aviation Security Group director, PBGen. Jack Limpayos Wanky.

Kasunod ito ng paghihigpit ng seguridad sa mga paliparan dahil sa bomb threat na natanggap ng Air Traffic Service sa pamamagitan ng email.

Nilinaw din ni Wanky na walang kaugnayan ang pagsabog ng molotov bomb sa open parking area ng NAIA kamakailan sa natanggap na bomb threat ngayon.

Hindi rin nila nakikita ang kaugnayan ng bomb threat sa bomb note na nakita sa isang eroplano sa Bicol International Airport.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group upang matukoy kung sino ang nagpakalat ng bomb threat.

Nauna nang sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines na bagaman walang nakikitang basehan ang ahensiya sa banta, hindi umano ito maaaring balewalain.

Naka alerto ngayon ang lahat ng airport manager sa bansa, at ipinag-utos ang maigiting na seguridad sa mga papasok na sasakyan at pasahero sa mga paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *