Operation Baklas ng COMELEC Naga City isinagawa ngayong araw katulong ang mga personahe ng NCPO at ng SWMO; kandidatong  napadalhan ng show caus order mahigit 30 na

NAGA CITY – Isinagawa ngayong araw ang Operation-Baklas na pinangungunahan ng Comelec-Naga na ang pinakalayunin ay alisin at baklasin ang mga campaign materials na wala sa tamang lugar at mali sa sukat.

Kasama ng komisyon ang mga personahe naman ng Naga City Police Office at ng Solid Waste Management Office, na maglilibot sa mga barangay ng lungsod.

Bago tumulak ang grupo ay nakipag-usap sa media at sa Brigada News FM Naga si Atty. Maico Julia Jr., Comelec Officer at nabanggit niya ang magiging sistema ng Operation-Baklas.

Aniya’y kailangan nilang gawin ito dahil sa ilang mga reklamo ang natanggap ng kanilang opisina hinggil sa mga campaign materials na wala sa tamang lugar, at iba pang paglabag na napadadalhan nila ng show cause order.

Nabanggit pa ni Julia na may mahigit ng 30 mga violators ang napadalhan nila at nilinaw niya na walang namang disqualification case na kinakaharap ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *