Operation Birth Registration project dinala ng LGU at PSA sa isa sa pinakamalayong coastal Barangay ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Binitbit ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang Operation Birth registration project, mobile registration sa isa sa pinakamalayong coastal Barangay ng Mercedes, Camarines Norte ang Barangay Lalawigan.

Dito ay nasa 35 katao ang nabigyan ng libreng negative result mula sa PSA sa ilalim ng Philsys Birth Registration Assistance Project o PBRAP. May mga bagong panganak rin na nagparehistro at tumanggap din ng mga indibidwal na nais maka avail ng serbisyo gaya ng pagpaparehistro at iba pa.

Ayon sa Municipal Information Office, malaking tulong ang aktibidad para sa mga residente dahil hindi na nila kailangang bumiyahe ng malayo na aabutin din ng dalawang oras mula sa Barangay hanggang  Poblacion.

Suportado naman ng PSA ang mga ganitong inisyatiba ng LGU. Maging ang PSA kasi ay tuloy- tuloy rin ang PhilSys registration s amga Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *