Operation Klaro gagawin sa Naga City

NAGA CITY –May mahigit tatlong libong mga individual na taga lungsod ng Naga na may problema sa mata ang nakatakdang maging benipisyaryo ng  gagawing “Operation Klaro” mula sa araw na ito at ang venue ay sa Sta. Cruz Event Center.

Ang bilang ng ito ay may libreng check-up at operasyon, matapos na sumailalim sa screening ng mga Ophthalmologist at Optometrist.

Sila ay galing sa iba’t-ibang barangay ng Naga City.

Batay naman sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Atty. Pj Barrosa, head ng Persons With Disabilities Office ang activity na ito ay hanggang bukas pa Enero 5, 2023 araw ng Linggo.

Bukod sa mga taga lungsod ,benipisyaryo din ang mga resedente mula sa Metro Naga.

Pinasalamatan ni Barrosa ang mga katuwang nila sa makabuluhang programang ito ang  pribadong sektor bukod pa sa mga doctor.

Mayoriya sa mga pasyente ay mga senior citizens na umaasang magkakaroon sila ng mabuting mata sa operasyong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *