Operators at empleyado ng DOT at Locally Accredited tourism establishment sa Botolan isinasalang sa swab test

BOTOLAN- Isinasalang na sa RT-PCR o swab test ang ma operator at empleyado ng mga DOT at Locally Accredited Tourism Establishment sa bayan ng Botolan.

Ito ay para matiyak na ligtas ang mga ito at mga turista na maaring bumisita sa lugar dahil sa unti-unti nang pagbubukas ng turismo sa lalawigan ng Zambales.

Ayon sa lokal na pamahalaan, 67 na mga empleyado ng tatlong establishemento ang isinailalim sa testing.

Samantala sa naunang animnaput pitong isinalang sa swab test lahat ng mga ito ay negatibo sa corona virus.

Ngayong araw, May 28 ay ang Phase 1 reopening ng turismo ng Zambales para sa mga turista mula sa MGCQ Low Risk Areas.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: OneBotolan Magkamiha

May be an image of fruit and text that says 'ASCORBIC ACID Ascorbate) GUARD-C SHOP NOW! Lazada "Keep being Healthy you. ASCORBIC ACID (as CaA) Ascorbate) GUARD-C VIT~'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *