Opisina ng isang kompanya sa China, inilipat sa bundok upang mapilitang mag-resign ang mga empleyado

Napilitang mag-resign ang laping-apat na empleyado sa isang advertising agency matapos ilipat ng kompanya ang kanilang opisina sa liblib na kabundukan.

Ikinagulat ng mga empleyado ng isang ad agency sa Xi’an City, Shanxi Province ang pag-anunsyo ng kompanya na lilipat ang kanilang opisina sa Qinling Mountains kung saan tatlong oras ang layo mula sa kanila.

Bukod dito, limitado pa ang pampublikong sasakyan at kinakailangang sumakay pa ng bus at maglakad ng tatlong kilometro upang makarating sa opisina.

Hindi lang ito ang pasakit sa mga empleyado dahil kulang pa sa basic amenities ang opisina, walang maayos na palikuran, maraming mababangis na asong gala at delikado ang paglalakad sa gabi.

Dahil dito, napilitang mag-resign ang 14 sa kanilang 20 na empleyado ngunit matapos ang apat na araw ng kanilang resignation ay agad bumalik ang ad agency sa kanilang opisina sa Xi’an City.

Dito na napag-alaman ng mga empleyado na sinadya ang kanilang paglipat upang sila ay mag-resign at makatipid sa severance pay ang kompanya.

Matapos mag-viral sa mga Chinese citizens ang pangyayari ay inakusahan ang naturang kompanya ng unfair labor practices at hinikayat ang mga dating empleyado na magsampa ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *