Opisina ng Philhealth pansamantalang isinara matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga kawani nito

CAMARINES NORTE- Simula ngayong araw ay pansamantalang isinara sa publiko ang tanggapan ng Philippine Health Insurance Corporation sa Camarines Norte hanggang sa muling magpalabas ng panibagong abiso ang naturang tanggapan

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito sa isinagawang RT-PCR Swab Test

Base sa ipinalabas na official statement ng Philhealth, magsasagawa ng disinfection sa nasabing tanggapan gayundin para sa gagawing contact tracing sa  mga posibleng  naging direct contact ng nagpositibo

Tiniyak naman ng naturang tanggapan na ang lahat ng mga kinakailangang health protocol ay ipapatupad alinsunod na rin sa direktiba at guidelines ng Department of Health upang maprotektahan ang mga kliyente at personnel.

Samantala, nagabiso naman ang Philhealth sa lahat ng kanilang mga miyembro na may mga transaksyon sa ngayon na makipagugnayan sa kanilang Billing/ Philhealth Section of Healthcare institutions na syang magpapadala ng mga dokumento sa kanilang LHIO staff para sa agarang pagpoproseso

Maaari dng direktang magpadala sa email at telepono na ibinigay ng Philhealth

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *