Opisyal na Logo para sa Paggunita ng Nazareno 2024, inilabas na ng Simbahan ng Quiapo

Inilunsad na ng Simbahan ng Quiapo ang official logo na gagamitin sa Pista ng Poong Itim na Nazareno sa susunod na taon.

May temang “Ibig Po Naming Makita Si Hesus” na hango mula sa libro ni Juan sa bibliya.

Nakalagay din sa logo ang mga salitang debosyon, traslacion at misyon.

Samantala, hindi pa rin tiyak kung magkakaroon nga ng Traslacion 2024.

Matatandaang noong nakaraang taon na Walk of Faith ang ipinalit sa Traslacion bilang pag-iingat sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *