Opisyal ng PALECO, mabagal kaya wala pang nasisimulang bidding para sa bagong power provider- Kon. Damasco

Nababagalan na umano si Puerto Princesa City Councilor Elgin Robert Damasco sa pamunuan ng Palawan Electric Cooperative dahil hindi pa rin ito nakakapagsimula ng competitive selection process (CSP) para sa mga bagong Independent Power Producer (IPP).

Ayon kay PPC Councilor Elgin Damasco, na chairman ng comm. On energy sa Sangguniang Panlungsod, hindi pa rin nagpapakita ng kanilang Power Supply Procurement Plan (PSPP) para sa taong 2024.

Ang plano ay pinapasumite na nitong February 8 ,2024 nang magpulong ang mga opisyal ng paleco at Department of Energy Officials noong February 6,2024 pero wala pa rin ito hanggang ngayon.

Ang demand letter ng Department of Energy na pirmado ni Energy Undersecretary Rowena Cristina L. Guevarra, PH.D kay Paleco GM Rez L. Contrivida ay isinapubliko ni councilor Damasco kung saan kahit 2024 PSPP na lang daw muna ang maipasa ng kooperatiba para masimulan na ang bidding.

Sabi pa ni Damasco, ang bidding para sa bagong power provider ang sagot sa problema ng mga member consumer owner sa mataas na power rate sa probinsya.

Samantala, hinamon ng lokal na mambabatas si GM Contrivida at Board of Directors ng PALECO na mag-resign na lang kung hindi nila kayang solusyunan ang problemang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *