Oplan Ligtas Biyahe Semana Santa 2024, mahigpit nang ipinatupad ng LTO Bicol

LEGAZPI CITY – Naka-heightened alert ang Land Transportation Office (LTO) Bicol para sa ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero na papasok sa rehiyon vice versa ngayong Semana Santa.

Ayon kay Glenn Mancera, chief operation ng nasabing ahensya, mula Marso 24-31 ngayong taon, ipinatupad na ng LTO ang mahigpit na monitoring at regulasyon sa pampublikong transportasyon bilang bahagi ng Oplan Ligtas Biyahe Semana Santa 2024.

Aniya, magde-deploy ng mga tauhan ang ahensya sa mga complaint at public assistance help desks sa mga pampublikong terminal sa rehiyon katuwang ang LTFRB at PNP.

Maliban pa rito, magkakaroon din ng inspeksyon sa mga bus upang masigurong maayos ang sasakyan at walang nakainom o inaantok na driver na babyahe.

Payo ni Mancera, bago ibyahe ang kanilang mga sasakyan ay tiyakin na nasa maayos ang kondisyon nito upang hindi na magkaroon ng aberya o problema sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *