Oplan ligtas pamayanan program ng BFP mas pinaigting sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga fire safety seminar

NAGA CITY – Dapat isaisip at isapuso ng publiko ang paulit-ulit na paalala ng mga personahe ng Bureau of Fire Protection hinggil sa tamang pag-iwas at pang-iingat sa apoy para hindi magkasunog, lalo na ngayong sobrang init ng panahon at tuloy hindi na rin madagdagan pa ang bilang ng fire incidents sa lungsod na umabot na sa 14 mula pa noong Enero hanggang Marso, taong 2024.

Sinabi ni City Fire Marshal Fire Chief Inspector Mark Allan Consuegra na sa kabila ng tila pagbabalewala ng publiko sa kanilang laging paalala ay naroon pa rin ang kanilang mga programa tulad ng pagsasagawa ng seminar at lectures na ang venue ay sa mga malls, mga paaralan at sa mga barangay.

Batay sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga tiniyak ni Consuegra na lagi naman silang handa sa pamamagitan ng kanilang anim na fire trucks at isang rescue truck sakaling may sunog.

Panatilihin din ang good housekeeping tips, tulad ng iwasang magkaroon ng octopus at overloaded na connection sa kuryente, sabi pa ng opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *