Oplan Paalala-Iwas Paputok, inilunsad ng BFP Bicol

LEGAZPI CITY – Matagumpay na nailunsad ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol kahapon ang Oplan Paalala – Iwas Paputok sa lungsod ng Legazpi.

Layunin ng kampanya ng aktibidad na ipaalala sa publiko ang kahalagahan ng fire safety awareness at ang responsableng paggamit ng firecrackers at pyrotechnics lalo na sa darating na kapaskuhan.

Nakiisa rin dito ang Land Transportation Office (LTO) Bicol sa pangunguna ni Regional Director Francisco Rances, kasama ang mga partner agencies tulad ng DILG, DTI, DOH, at Barangay Councils ng lungsod.

Maliban pa rito, binigyan din ng Plaque of Appreciation ang mga dumalong partner agencies kasama rin ang iba’t ibang pribadong entities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *