Ordinansa konta sa unauthorized sales ng PNP uniform inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Inihain sa Sangguniang bayan ng Basud, Camarines Norte ang panukalang ordinansa kontra sa hindi awtorisadong pagbebenta ng PNP uniform, insignia at iba pang related accessories.

Ang pinagbasehan ng panukalang ordinansa ay ang Executive Order No 297 na nagreregulate sa  paggamit, manufacture, pagbebenta at distribution ng police owned industrial designs of uniforms and accoutrements.

Sa ilalim ng ordinansa ang mga negosyong engage sa paggawa ng PNP uniforms, insignas at accoutrements ay kinakailangang mag secure ng PNP Certificate of Conformity maliban pa sa business permit.

Para sa epektibong implementasyon ng ordinansa sakaling maaprobahan ay isasama ang PNP sa  Integrated- Business Permit Licensing System (BPLS) sa pamamagitan ng Business permit and licensing Division.

Ito ay upang masiguro na ang lahat na covered establishments na nag- aaplay ng business permit ay mai- evaluate ng PNP.

Ang mga  business establishment na lalabag sa ordinansa ay maaring ma revoke ang business permit at maharap sa kasong administratibo, kriminal at sibil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *