Ordinansa patungkol sa pagbibigay ng special protection sa mga bata kapag may kaguluhan aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng SB Basud

CAMARINES NORTE – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang “Children in Situations of Armed Conflict Ordinance sa Basud, Camarines Norte.

Ito ang ordinansa na nagmamandato na i- adopt ang Republic Act 11188 na mas kilala bilang Special protection of Children in situations of Armed Conflict act,”  na naisabatas noong Duterte Adimistration.

Ang batas ay na inadapt sa pamamagitan ng ordinansa magbibigay ng espesyal na proteksyon sa mga bata sa mga lugar na may kaguluhan. Sa ilalim nito ang mga bata na nasa gitna o naipit sa giyera ay magkakaroon ng special protection. Kabilang sa mga karapatan ng bata ay mabuhay, kaligtasan sa abuso, hindi marecruit ng armadong grupo at mabigyan ng kaukulang pagkain, kanlungan at iba pang serbisyo gaya ng medikal.

Sa ilalim ng naturang batas, makukulong ng 14 hanggang 20 taon at may multang P1 milyon hanggang P2 milyon ang lalabag. Sa ipinasang ordinansa multang mula P1, 500.00 hanggang P2, 500.00 parusa. Dito ay inaatasan ang lokal na pamahalaan na maglatag ng feasible measures para mabigyan ng proteksyon ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *