Ordinansa VS mga galang aso sa Tinambac, Camarines Sur hihigpitan

CAMARINES SUR- Mas hihigpitan pa ang pagpapatupad ng ordinansa patungkol sa responsableng pag-aalaga ng mga aso sa Barangay Antipolo, Tinambac, Camarines Sur.

Ito ay matapos makapagtala ng sunod sunod na aksidente ang barangay dahil sa mga galang aso sa daan. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay Jerry Sarmiento, binanggit na isa ito sa mga bagay na pinag-uusapan nila kung paano mas gagawing epektibo ang ordinansa sa mga pet owners.

Bukod sa dumi sa daan, nagiging sanhi rin ng aksidente sa mga motorista. Handa ang Barangay na magbigay ng asistensya medikal pero hindi rito natatapos ang kanilang malakawang aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *