Ordinansang lilikha ng Basud Traffic Management Authority inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang ordinansang lilikha ng Basud Traffic Management Authority.

Sa regular na sesyon ng konseho nitong Lunes, Pebrero 5, inilatag ang report ng Committee on Infrastructure ang Public Utility kung saan iniisa- isa dito ang mahahalagang nilalaman ng panukulang ordinansa partikular ang amendments at modification sa ilalim ng section 7.

Base dito,  hindi maaaring i- deputize ng Land Transportation Office ang sinumang Job Order, contractual o maging ang regular at permanent employee ng LGU kahit pa sumailalim ito sa training.

Pinapayagan lang na mag- issue ng traffic citation ticket (TCT) ang mga traffic enforcer na deputized sa pamamagitan ng Executive Order ng Alkalde.

Nabago rin ang probisyon sa arawang sweldo ng traffic enforcer na mula sa orihinal na panukalang  P450 ay binawasan ito at naging P400 na lang.

Kabilang sa minimum qualifications para maging traffic enforcer ay nakapagtapos man lang ng Senior High School  para sa new curriculum o completion ng 2 years college para sa old curriculum.

Ang appropriation para sa nabanggit na panukalang ordinansa ay subject o depende sa availability of funds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *