Ordinansang mag oobliga sa mga may ari ng resort na magkaroon ng lifeguard inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang isang panukalang ordinansa na mag oobliga sa mga resort owner na mag- employ ng lifeguard para sa kaligtasan ng mga nagsi-swimming.

Batay sa ordinansa ni Coun. Shaina Jules Lopez, dapat umanong maiwasan ang mga insidente ng pagkakalunod kaya mahalagang magkaroon ng professional at certified lifeguards sa mga beach resort.

Ito ay sa gitna na rin nang dumaraming resort sa naturang bayan na nag- ooperate ng walang lifeguard na titingin sa kanilang customers.

Sa ilalim ng ordinansa maaaring makulong o pagmultahin ng hanggang P2, 500 ang sinumang nagmamay- ari, manager o operator ng resort na walang lifeguard.

Pinatitiyak sa panukalang ordinansa na dapat ay may naka-duty na certified lifeguard sa buong operation hours ng establishment.

Dapat ding may sapat na bilang ng life jacket o life saving devices ang resort.

Magtatakda ang Sangguniang Bayan ng public hearing para talakayin ang mga probisyon ng panukalang ordinansa.

Kabilang sa mga iimbitahan sa public hearing ay ang Municipal Tourism Officer- Designate at ang may ari ng mga resort.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *