Ordinansang mag oobliga sa mga nasa Food Business na magsuot ng PPE inaprubahan sa isang Barangay sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Oobligahin nang magsuot ng Personal protective equipment (PPE) ang mga nasa Food Business sa isang Barangay sa Camarines Norte.

Yan ay makaraang maaprobahan nitong buwan ang isang ordinansa sa Barangay Mocong sa bayan ng Basud na nag oobliga sa mga may ari ng mga gawaan ng pagkain, karenderya at mga street foods na kailangang lagging nakasuot ng PPE tulad ng gwantes, facemask, hair net at apron.

Maliban dito kailangan din ang medical certificate na nagpapatunay na nagpakonsulta sa doktor ang mga may ari at nagtatrabaho sa pagawaan ng pagkain.

Sa ilalim ng ordinansa papatawan ang violator ng apat na oras na community service o magtatanim ng sampung pirasong kahoy sa nasasakupan ng barangay sa unang paglabag.

Multang P150.00 at community service tulad sa una para sa ikalawang paglabag.

Kung maulit sa pangatlong pagkakataon papatawan ito ng multang P250.00 at hindi na bibigyan ng Business clearance ng barangay.

Layon umano ng ordinansa na mapangalagaan ang kalusugan ng namamarangay at maiwasan ang pagkalat ng sakit na nakahahawa.

Ipapatupad ang ordinansa sa sandaling ito ay maaprobahan pagkatapos na ma- rebyu ng Sangguniang Bayan.

(photo from the Web)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *